To the One who broke my heart ver. 2.0

Damn, it’s been a while — 2 years din ata since sinulat ko ang “To the one who broke my heart” that time madaming mga unanswered questions and no closure pa talaga kung bakit nagawa niya ang mga nagawa niya. The last time na umuwi ako ng pinas it was in 2015 imbis magka closure parang umasa ako na baka meron pa so I said uuwe ako ng 2016, unfortunately it didnt happen kase I was busy with my studies in Nursing (stereotype) in 2017 I said uuwe talaga ako, I was so stress with school, money, and LOVE! nagka boyfriend na kapatid ko, tas ang mga kaibigan ko may JOWA na din! iniisip ko that was in September “Shit! baka ako lang mag-isa sa valentines neto” kaya agad2 din nagpa book ako ng ticket para sa February 13 para pag alis ko ng America 13 na tas pag dating ko sa pinas February 15 na hahaha I totally wanted to skip Valentines day.

Pag dating ko ng Pinas, I message him first. Gusto ko siya makita eh pero as friends lang okay? take note may special someone na ako at this time pero sa ibang story na yun kung pano ko sha nakilala hehehe. ABANGAN! anyways so ayun, he did tell me na may kinikita na shang babae ngayon pero hinde daw sila? parang trial lang daw – open relationship. So walang magagalit, walang magseselos. Happy lang daw.

So, nagkita kami with our friends ofcourse – at that time when I saw him nag away kami ng boyfriend ko nun, so nag inuman kami, Si Jimmy which is my ex never really looks at me, pag mag checheers ayaw nya ako icheers, may something. 2 years ago he was so clingy to me, like kissing here kissing there, but that night he was kissing my friend na may boyfriend din. Nag club kami after drinking I was dancing with him but he would never really hold me. He would always take a step back, I understand maybe he was respecting my relationship pero I was in a relationship din naman the last time I was home but he wasnt this distant from me.

The next day, he texted me he wanted to see me daw, ofcourse I met with him but with my friends. whenever I go to the city I would see him, after his classes — every weekend at the club all the time but he was just really distant. My friend asked him who he was and how we know each other he just said “I was her seatmate nung first year high school kami” WOW ha! seatmate talaga!! although it’s true pero baket ayaw mo malaman nila na ex moko? well it is weird na magkasama pa tayo, pero seatmate talaga? ugh!

The night before I was going back to LA nag clubbing ulet kami – knowing my boyfriend ayaw niya na nag cluclub ako lalo na with Jimmy although my boyfriend doesnt know na boyfriend ko si Jimmy sabe ko lang bading yun cuhs he was curious bat kasama ko lage yung guy. So ayun na, alam ko tatawag ang boyfriend ko that night so I booked a hotel room na malapit lang sa club para maghintay ako dun sa tawag niya after niya tumawag mag paparty na ako haha! so I waited til may kumatok sa room ko, binuksan ko guess who? YES! si Jimmy! he was there already drunk tas nasa isang room lang kami! I was like fuck sana walang mangyare or ano ba dapat gagawin ko? he went inside and said “bat wala ka sa club? pumunta ako dun para makita ka tas nandito kalang pala” hnde ko alam sino nag sabe sa knya na nasa hotel ako or kahit yung room number ko he was just there. nakaupo ako sa chair habang sha naman nakahiga sa bed (LASING NA EH)

“So balita ko serious relationship kana ngayon?” ang mga unang sinabe niya pero hnde ako sumagot ” mas magaling ba siya sa akin?” “sumagot ka” “mas marunong ba siya humalik kaysa sa akin?” mga tanong na paulit ulit niyang sinasabe na ang tangi ko lang nasabi ay “Oo” na sa gulat niya sinabe niyang “Sabagay liberated kana kase nasa America ka na eh, ganyan naman talaga sainyu eh. Normal lang yun sayo.” para akong sinampal sa mga sinabe niya sa akin pero iniisip ko lang LASING lang siya.

“Gusto moko halikan noh?” sabe niya habang nakahiga sha sa kama, hinde ako sumagot pero biglang sinabe niyang “Alam mo ba hinde talaga kita minahal?” whaaaatt! 3 years moko niligawan di moko mahal nun? tanga kaba? “Clingy mo kase nung highschool eh” “gusto mo magkasama tayo palage” uhmmmm ayan naman po kase ang dapat na magkasama tayo may mag shota bang hnde magkasama! “aggresive mo pa” taena! kelan ako naging aggressive!? ugh! “para sa akin HINDI KITA KINONSIDER NA GIRLFRIEND” ayun na! may mga luha na sa mga mata ko pero pilit ko pa ding tinatago sa sarili ko. “Na-touch ako ng malaman ko na umiyak ka nung nag break tayo” hnde na ako naka pag pigil pinalabas ko na siya.

Sa taong minahal ko since 13 years old lang ako ay hinde pala ako minahal, masakit pero atleast alam ko na, alam ko na wala na akong mababalikan pa sa kanya at may total closure na ako, well at least para sa akin closure ko na yun, i dont stalk him or talk to him on any social media. WALA na! ayoko na! tapos na ako sayo! haha

Advertisements

Unofficially Yours

“It’s Over. I can’t do this anymore” Yan ang sabi ni Dee when he called everything off. HAHA! wala naman kami e, there was never an us naman pero ganun ganun lang ba yun? When a guy  gets bored ba talaga they drop you just like that? kasalanan ko din naman kasi I let it happen. Pumayag ako sa set up namin. Sa magkaibigan lang.

Totoo talaga na nasa huli ang pagsisi. What was I thinking sa mga panahong iyon? inisip ko kasing baka pwede ko siyang mapag-bago, na baka mahulog din siya sa akin. Akala ko kasi kaya ko e, akala ko na sa ganito hindi ako masasaktan. Pero mali ako, mas masakit pala siya. Kasi wala naman talaga akong karapatan sa kanya.

Nakilala ko si Dee online. HAHAHA! opo sa online ko siya nakilala. Pinoy din si Dee so mabilis ako naka build ng connection sa kanya, we started off as friends talaga. Until napansin ko nalang na ang once a month na dates nagiging every week na and naging almost everyday date.

Until hindi ko nalang napansin nahuhulog na ako sa kanya, kung napanood niyo ang “No Strings Attached” sorta ganon ang set up naming dalawa minus the part na mahuhulog siya, minus the part na magkakaron pa ng more, minus the part na hindi niya ako papakawalan. Pero wala e, I shoulda seen it coming anyways because every time na nagkikita kami lagi niya naman sinasabi sa akin “Ayoko talaga ng commitments” pero alam mo yung pag may ibang lalake naman na nakikipag-usap sa akin nagagalit siya.

What’s the point of this post? wala lang, naalala ko kasi siya. Naalala ko nanaman siya. Pero hindi yung mga bad things na nangyari sa amin, yung mga good times namin. Mga moments na hinde ako natutulog boung magdamag para magkausap kami, yung mga weekly dates namin, and yung usapan namin sa car. First date, first kiss, first hug ughh! I miss him! kainis naman o! baka eto pa ang mag trigger na etext ko siya e.

Okay naman siya ngayon, may ibang babae na siya. Ofcourse at first nasaktan ako kasi PABEBE ako! I wont lie nung nakita ko yung babae nagalit talaga ako! kasi I feel like mas maganda naman ako dun! Payat lang siguro. Pero ngayon, I realize na paka immature ko. I should be happy for him which I’am! Happy ko sakanya and I pray for him and her. Sana this time he finds love in her.

 

 

 

 

 

 

Confused

It’s been almost a year since nag break kami ng boyfriend ko but I still kept communication towards his family; pano ba naman kasi matagal tagal din kasi kami nag sama and napalapit na din ako sa pamilya niya but then again how can he move on if he still see’s me, I know wala na akong feelings for him kasi I know may gusto na akong iba.

Yesterday, sumama ako sa family bonding nila kasi niyaya ako ng Tita niya “Family bonding daw” sinabe ko naman na I can’t ee, pero sabi gusto daw ako makita ng grand parents nila.. pumunta naman ako kasi galing sila ng Pinas, just to pay respect I guess. I met his Lolo nakikita ko na siya even before but never really had the chance to talk with him kasi natatakot ako sa kanya he looks really strict but realize he has a kind a heart and was really friendly he asked me a lot of things

Marami kaming napag-usapan ng lolo niya hanggang umabot na kami sa topic why me and his grandson didn’t worked out, he even said sayang daw kasi he would’ve love to get know me better but then again I can’t turn back time na kasi ee.

I’m kinda confused kasi I know wala na ee, but sometimes I wanna try again kasi boto na ang lahat sa amin, even his family likes me and I know he still loves me, and I’m sooooooo guilty and selfish kasi ako lang iniisip ko, sometimes feeling ko pinapaasa ko siya just because I still do the things na ginagawa ko sakanya just because for me wala na akong malisya.

Haaaaaay! how can love be so confusing and difficult? what do you think? should I stop seeing his family even though hindi naman sila damay sa feud ng ex ko pero nga we’re in good terms din naman kasi ni Ex kasi wala namang cheating na nangyari sa amin it’s just that I don’t feel the sparks anymore so I called it off. Haaaaaay!

 

Letter #2

Dear Someone,

Kamusta ka na? Malapit na ang pasko 6 days nalang pasko nanaman tapos New Year pagkatapos Valentines na! makikilala na kaya kita sa 2016? Sana naman makilala na kita, please! HAHAHA! may girlfriend ka kaya ngayon? masaya ka ba? 🙂

Habang hinihintay pala kita pinapares ako ng kapatid ko sa kuya ng bestfriend niya, ahaha! si “Kabal” ooy! wag kang magalit ha! Joke lang naman lahat yun ee. Pampalipas oras at pampakilig lang sa araw para naman hindi ako mabagot sa paghihintay sa’yo eeh! ba’t kasi ang tagal tagal mo pa dumating e.

This week pala nag away ang kapatid ko at bestfriend niya, inaamin ko kasalanan ko yun pero atleast okay na din sila. 🙂 Ano pa ba nangyari this week? hmm.. wala naman masyado, namili lang ng mga Christmas gift sa mga friends and sa sarili ko.. Spoil thy self!

 

PS : abangan niyo po ang ibang letters ko kay Someone sa “DEAR SOMEONE” page ko.. thank you! ❤

Buhay Single

IMG_7778

It’s been 1 year 10 months 21 days since my last relationship. Nasaan na ba talaga ako ngayon? Saan na ba ako pinadpad ng tadhana. Hanggang kelan pa ba ako maghihintay sa kawadlan ng pag-asang may nakalaan talaga ng para sa akin. Pero hindi ako nag rereklamo ha! masaya naman ako. Masaya naman ang buhay ko na single.

Masaya ako dahil hawak ko ang aking sariling oras, oras ko para sa vanity ko at para sa savings. SAVE~SAVE~SAVE~~ ika nga nila

Ako’y nakakapag travel din kung saan ko gusto na hindi inaalala pang magpaalam man kahit kanino except sa aking magulang at hindi ko na kailangan intindihin pa ang ibang tao bago ako makagpag unwind

Narealize ko din ngayon na ako’y single at hindi double ang aking sarili, mas kilala ko na ng lubos si Kaking, na siya pala ay mahilig mag sulat at mag basa, mahilig pala siya’ng gumala at kumain ng Mexican food. Ayaw niya pala ng lalakeng sobrang lambing at sobrang possessive.

Nang dahil sa panahon na ako’y mag isa lamang ito’y akin na pag tanto, ang dami ko pa palang gustong gawin na mag isa, ang dami ng nag bago sa plano na ginawa ko ng kami pa ng aking ekis! ahaha ~ sabi ko by the age of 27 magpapakasal na kami, pero ngayon na ako’y 20 na, parang mas gusto ko pang tuklasin at libutin ang mundo ng ako nalang.

Pero kung dumating man ang araw na dumating ka na Mr. Someday tatanggapin kita ng open arms sabay takbo and talon sa’yo, ATLAST hindi na ako mag-iisa sa pag lakbay ko sa ating Road to forever.